Sunday, October 3, 2010

Filipino poems with idioms

When I was in 1st year college, our Filipino Teacher asked us to submit 10 Filipino poems each with idioms. Our only chance was to search in the library and scan through each poem and analyze each line if it was an idiom or not. 


First of, let me enumerate and discuss the 12 idioms/ tayutay:


Tayutay- matalinhagang mga pahayag (may nakatagong kahulugan)


1. Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa.


Halimbawa:
a. Tulad ng gulong ang buhay ng tao.
b. Parang siyang bulaklak na namumukadkad sa hardin.


2. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing.


Halimbawa:
a. Tigre siya kapag magalit.
b. Bato ang kanyang puso.


3. Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.


Halimbawa:
a. Kinain ng kadiliman ang swilid nung nagkaroon ng power interruption.
b. Tumawa ang araw nang lumayo ang bagyo.


4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.


Halimbawa:
a. Pagibig, talagang bulag ka nga.
b. Kapalaran, ano ba ang nagawa ko?


5. Paglumanay - Ito ang paggamit ng salita na mas magandang pakinggan kaysa sa kanyang orihinal na ibig sabihin.


Halimabawa:
a. Ang kanyang ama ay napayapa na. 
b. Mas naging malusog ka ata.                                                 

6. 
Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.

Halimbawa:
a. Pakakasalan kita sa lahat ng simbahan.
b. Ibibigay ko ang mundo sa iyo.

7. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. 

8. Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.

Halimbawa:
a. Ang bango ng kanyang hininga, bawat kausap niya'y nagtatakip ng ilong.

9. Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.

Halimbawa:
a. Dalawampung piso bawat ulo.
b. Hingin ko ang iyong kamay.

10. Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

Halimbawa:
a. Ang ulilang bahay ay muling tinirahan. 
b. Pilay ang ekonomiya ng ating bansa.

11. Pagsalungat

Halimbawa:
a. Ito ang puno't dulo ng suliranin.
b. Halos lakad takbo siya sa ospital.
c. Labas pasok siya sa kulungan.

12. Pagpapalit tawag o Metonomiya

Halimbawa:
a. Ang ilaw ng tahanan ang laging sumusubaybay sa mga anak.

Since you already know the different tayutays, let me show you the 10 poems each containing different tayutays.

ANG BAGONG BAYANI
ni Rafael A. Pulmano

Nilisan ang bansa kapalit ng dolyar
Singaporeang paslit ang inalagaan
Ang sariling anak, nalamnan ang tiyan- pagpapalit-tawag
Gutom sa kalinga ng magulang naman.

Gurong naghahangad ng riyal na kita
Nag-domestic helper sa Saudi Arabia
Four years nagtiyagang pakadalubhasa
Sa ibang lahi pa nagpapaalila
.-pag-uyam

Dating chief engineer sa sariling nasyon
Sa abroad nag-apply: karpentero-mason
Noo'y naka-jacket sa lamig ng aircon
Sa init ng araw ay sunog na ngayon.

Sawa na sa laging galunggong ang ulam
Nagsikap marating ang bansa ng sakang
Sariling katawan ang ikinalakal
Umuwing mayaman, malamig na bangkay.

Nagtiis maglayo yaong bagong kasal
Upang pag-ipunan ang kinabukasan
Masakit na birong pag-uwi ng bahay- pasalungat
Nangulilang kabyak, may iba nang mahal.

Sila ang overseas contract workers natin
Masipag, marangal, at mapangarapin
Kahit may panganib, ayaw magpapigil
Legal o ilegal, bansa'y lilisanin.

Gobyernong kaylangan ang foreign currency
Passport, POEA at etceterang fee
Saludung-saludo, labis ang papuri
Sa OFWs - ang Bagong Bayani.

AKO AY PILIPINO

PILIPINO akong may sariling dangal
Di kayang tumbasan ng lapad at dolyar
At saan mang dako ng sandaigdigan,
Karangalang ito'y handang ipaglaban.

Pilipino akong ang ngalan at puri
Di mababayaran ng ginto't salapi
Mag-abroad man ako't ang aking kalahi
Pangalang malinis ay nananatili.

May nangagsasabing pagdating sa pera,
Merong nagbibili ng kanyang kalul'wa
Ang paniwala ko, Pilipino'y iba
Hanggang sa isang club minsa'y napapunta.

Ako ay namula, nangitim, nanilaw...- pagmamalabis
Pagkat nakita ko (dito pa sa Japan!)
Ang kaibiga’t kalaro ko nu'ng araw
Nagsasayaw siyang hubo't hubad...ARAY!-pag-uyam


SAYANG
ni Rafael A. Pulmano

Mahal, kumusta ka? Ngayon ko natanggap
Ang liham mo sa 'kin...Maraming salamat!
Paulit-ulit kong binasa ang sulat
At paulit-ulit akong maluha sa galak.
-paralelismo

Tuwang-tuwa ako sa iyong balita
Lalo na yung tungkol sa dalawang bata,
Si Neneng ko pala'y honor sa eskwela
At si Toto naman ay nasa kinder na.

Sayang! Dapat sana, ako'ng magsasabit
Ng ribbon kay Neneng pag siya'y gumradweyt.
Araw-araw sana, ako'ng maghahatid
Kay Toto sa klase, papunta't pabalik.-aliterasyon

Kalakip ng liham kong ito sa iyo
Ay isang birthday card sa kaarawan mo.
Sayang! Dapat sana ay magde-date tayo
At magdya-Jollibee pag gutom na, ano?

Ikakasal pala ang kababata ko
Sayang! Kung pwede lang, ibig kong dumalo.
Ang ninong ko pala ay kakandidato
Sayang! Hindi ko man lang maiboto.

Lumipat na pala'ng ating kapitbahay
Sayang! Di na ako nakapagpaalam.
Naospital pala nu'ng Linggo si Inay
Sayang! Ni hindi ko nadalaw man lamang.

Pinataob pala ng Shell ang Ginebra
Iisa ang lamang, muntik pang magtabla
Graduate si Jaworski, suspended si Calma
Sayang! Dapat sana, ako'y nasa Ultra!

Tuyo at galunggong at inalamangan,
Nilaga, pinakbet, sarsyado, sinigang,
Bibihira ko nang dito ay matikman
Sayang! Nami-miss ko ang luto mo, Hirang!

Di sapat ang ganda ng kinabukasan
Kung ngayon ko nama'y waring nasasayang!
Kahit na ang s'weldo sa abroad ay dolyar,
Di kayang ibalik ang nagdaang araw!

Hanggang dito na lang ang liham kong ito
Sagutin mo agad pagkat sabik ako
Na makabalita ng tungkol sa inyo
Laging nagmamahal... Rafael Pulmano.



PILIPINO, DAKILA KA

Mahigit na sampung taong napalayo sa pamilya,
Sabik akong makabalik sa bayan kong sinisinta.
Samantalang lumalapag ang eroplanong nagdala
Sa paliparan ng Ninoy, sumagi sa alaala
Ang masaklap na sinapit nang ako ay mabiktima
Ng iligal na recruiter na pangako ay kayganda.

Anya, bukod sa ang sweldo ay malaki at dolyar pa
"Libre housing, transportation, may day off, may allowance ka."
Kaya ako'y naingganyong magbitiw sa opisina
Nagsangla ng kagamitan, at pumirma sa kontrata
Maski D.H. ang trabaho, sigurado daw ang kita
Iyon pala, paglipad ko ay turista sa umpisa.

Pagsapit sa pupuntahan, madali raw makakita
Ng trabahong hinahanap; di ko alam na ang visa,
Show money at pasaporteng bigay sa 'kin, peke pala!
Kaya ako ay nahuli, at nakulong, at nagdusa...
Buti na lang, nakalaya, may tumulong na pamilya
Papeles ko ay inayos, nabigyan ng amnestiya.

Pinalad ring magkaroon ng trabaho sa pabrika
Sa gabi ang aking pasok, datapwa at palibhasa,
May utang na loob ako at kaylangang makisama
Pagkagaling sa trabaho,
Matapos na ang nakakapagod na pahinga,-pasalungat
Tagaluto ang papel ko, labandera, plantsadora
Sa tahanan ng nagkupkop at sa akin ay nagpala.

Ang sabi ko sa sarili ay magtiis-tiis muna
Kung ngayon ay naghihirap, bukas naman may ginhawa.
Sa nasa kong makatipid, iniipon pati barya
At pag merong nagtatapon kaagad kong kinukuha -
Lumang damit, lumang radyo, lumang Barbie, lumang bola
Kahit luma, ginto ito pag-uwi ko sa probinsya!

Sampung taon ang lumipas at ngumiti ang pag-asa
Sakripisyong pinuhunan, namulaklak at nagbunga
Sino nga ba'ng mag-iisip na buhay ko'y naging aba?
Ang alam ng iba, ako'y galing abroad at mapera
(Ang tutoo, sa banyagang bansa, kahit masagana,
Pera'y hindi napupulot, kailangang magsikap ka!)

Pagmumuni-muni'y biglang naputol nang mabuksan na
Ang pinto ng eroplano...Ah, puso ko'y siyang-siya!
Ito pala'ng airport ngayon! Malaki na'ng iginanda!
Tabang-taba ang puso ko sa tanawin kong nakita -pagmamalabis
Ibig kong ipagsigawan kung pupwede lamang sana:
Pilipinas ang bansa ko! Pilipino, dakila ka!

Damdam ko ay nakalutang sa ulap ang mga paa
Hanggang ako'y papalapit sa bahaging Customs area
Magiliw ang pagsalubong, nakangiti hanggang teynga
"Merry Christmas, Kababayan! Ano ba ang iyong dala?
WALA ka bang NALIMUTAN? Tiyak mo bang KUMPLETO na?
Papaano naman KAMI? Bahala ka na lamang, ha?"

Parang bulang sumambulat ang ligayang nadarama
Taas-noong pagbubunyi, nahalinhan ng dismaya
Sampung taon - Fidel, Erap, at ngayon ay Madam Gloria..
Ilang taon pa ba bago mauuso ang konsyensya?
Ten years ago, kapwa Pinoy ang sa akin, nambiktima
Ten years later, eto uli... Pilipino, dakila ka!


INAY... ITAY...

Inay, kumusta po kayo sa Singapore?
Itay, kumusta rin po riyan sa Taiwan?
Sana po, ngayon na ang inyong bakasyon
Para sama-sama na tayo sa bahay
At sama-sama tayong makakakain. -paralelismo

Sabi po ni Lola ay mahal n'yo ako
Kaya nagtitiis po kayo sa abroad
Salamat po, Inay...Itay, salamat po
Sana'y patnubayan po kayo ni Jesus.

Natanggap ko na po ang package n'yo, Itay
Manika, chocolates, at baby computer
Sabi po ni Lolo, dumating din, Inay
Ang dollar na inyong pa-birthday sa akin.

Mga kalaro ko'y inggit po sa akin
Mayaman daw tayo, hindi tulad nila
Pero Inay, Itay... ako po'y inggit din
Masaya po sila, buo ang pamilya.

Inay, kumusta po kayo sa Singapore?
Itay, kumusta rin po riyan sa Taiwan?
Sana po, ngayon na ang inyong bakasyon
Miss na miss ko na po kayo,
Inay... Itay...

PUSO, ANO KA? -panawag

Jose Corazon de Jesus


Ang puso ng tao ay isang batingaw, - pagwawangis
sa palo ng hirap, umaalingawngaw - pagsasatao
hihip lang ng hapis pinakadaramdam,
ngumt pag lagi nang nasanay, kung minsan,
nakapagsasaya kahit isang bangkay.

Ang puso ng tao’y parang isang relos, -pagtutulad
atrasadong oras itong tinutumbok,
oratoryo’y hirap, minutero’y lungkot,
at luha ang tiktak na sasagot-sagot,
ngunit kung ang puso’y sanay sa himutok - pagsasatao
kahit libinga’y may oras ng lugod.

Ang puso ay ost’ya ng tao sa dibdib -pagwawangis
sa labi ng sala’y may alak ng tamis,
kapag sanay ka nang lagi sa hinagpis
nalalagok mo rin kahit anung pait,
at parang martilyo iyang bawat pintig - pagtutulad
sa tapat ng ating dibdib na may sakit.

Kung ano ang puso? Ba, sanlibrang laman
na dahil sa ugat ay gagalaw-galaw,
dahil sa pag-ibig ay parang batingaw,
dahil sa panata ay parang orasan,
at mukhang ost’ya rin ng kalulwang banal
sa loob ng dibdib ay doon nalagay.

ANG TREN



Tila ahas na nagmula
sa himpilang kanyang lungga,
ang galamay at palikpik, pawang bakal, tanso, tingga,
ang kaliskis, lapitan mo’t mga bukas na bintana. -onomatopeya

Ang rail na lalakara’y
nakabalatay sa daan,
umaaso ang bunganga at maingay na maingay, -paglulumanay (hindi ginamit ang salitang umuusok)
sa Tutuban magmumula’t patutungo sa Dagupan.-aliterasyon

O, kung gabi’t masalubong
ang mata ay nag-aapoy,
ang silbato sa malayo’y dinig mo pang sumisipol
at hila-hila ang kanyang kabit-kabit namang bagon.

Walang pagod ang makina,
may baras na nasa r’weda,
sumisingaw, sumisibad, humuhuni ang pitada, -onomatopeya
tumetelenteng ang kanyang kainpanada sa tuwina.

“Kailan ka magbabalik?”
“Hanggang sa hapon ng Martes.”
At tinangay na ng tren ang naglakbay na pag-ibig,
 sa bentanilya’y may panyo’t may naiwang nananangis.

Sa dilim ng gabi’y may gintong nalaglag,
may apoy, may ilaw, galing sa itaas;
at dito sa lupa noong pumalapag,
nahulog sa bibig ng isang bulaklak. -paglulumanay (hindi bunganga)

Ang sabi ng iba’y kalulwa ng patay,
luha ng bituin, anang iba naman.
Lalo na’t sa gabi ay iyong matanaw
tila nga bituing sa langit natanggal.

Bituin sa langit at rosas sa hardin,
parang nagtipanan at naghalikan din;
nang di na mangyaring sa umaga gawin,
ginanap sa gabi’y lalo pang napansin.

Katiting na ilaw ng lihim na liyag,
sinupo sa lupa’t tanglaw sa magdamag;
ito’y bulalakaw ang dating pamagat,
posporo ng Diyos sa nangaglalakad.

Kung para sa aking taong nakaluhod
at napaligaw na sa malayong pook,
noong kausapin ang dakilang Diyos
ay sa bulalakaw lamang nagkalugod.

Sampalitong munti ng posporong mahal
kiniskis ng Diyos upang ipananglaw;
nang ito’y mahulog sa gitna ng daan,
nakita ang landas ng pusong naligaw!

Ito’y bulalakaw, ang apoy ng lugod,
na nagkanlalaglag sa lupang malungkot.
May nakikisindi’t naligaw sa pook:
Aba, tinanglawan ng posporo ng D’yos.


KAHIT SAAN

Kung sa mga daang nilalakaran mo,
may puting bulaklak ang nagyukong damo
na nang dumaan ka ay biglang tumungo
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .
Irog, iya’y ako!

Kung may isang ibong tuwing takipsilim,
nilalapitan ka at titingin-tingin,
kung sa iyong silid masok na magiliw
at ika’y awitan sa gabing malalim. . .
Ako iyan, Giliw!

Kung tumingala ka sa gabing payapa
at sa langit nama’y may ulilang tala
na sinasabugan ikaw sa bintana
ng kanyang malungkot na sinag ng luha
Iya’y ako, Mutya!

Kung ikaw’y magising sa dapit-umaga,
isang paruparo ang iyong nakita
na sa masetas mong didiligin sana
ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .
Iya’y ako, Sinta!

Kung nagdarasal ka’t sa matang luhaan
ng Kristo’y may isang luhang nakasungaw, -pagpapalit-saklaw
kundi mo mapahid sa panghihinayang
at nalulungkot ka sa kapighatian. . .
Yao’y ako, Hirang!

Ngunit kung ibig mong makita pa ako,
akong totohanang nagmahal sa iyo;
hindi kalayuan, ikaw ay tumungo
sa lumang libinga’t doon, asahan mong. . .
magkikita tayo!



BIYOLIN

Ito’y isang pugad niyang mayang paking
na huhuni-huni’t hahali-halinghing,
at ang apat namang mahihinang bagting
ay apat na ugat ng puso’t panimdim. -pagpapalit-saklaw
Waring nananangis sa gabing madilim,
tila nahihibang, parang nababaliw.

Ang panghilis nito ay isang sandatang
ang sinusugata’y yaring kaluluwa.
Kung minsa’y humibik, tumangis, tumawa,
ang b’yolin man pala ay nababaliw na.
Parang naglalambing sa isang dalaga’t
parang humingi ng konting pagsinta.

Ang b’yolin ay kaba ng dupok nang dibdib
huwag di masalang ay iingit-ingit;
tila nasasaktan at hihibik-hibik
“kaawaan mo na’t bigyan ng pag-ibig.”
Para bang sa tuwing siya’y mahihilis
ay nangangako nang magpapakabait.

Itong unang bagting siyang tumatawa,
babaeng sa galak ay nalalasing na;
lagaslas ng tubig itong pangalawa,
alis-is ng dahon at huni ng maya;
bagting na pangatlo, tinig-sumisinta’t
nakikipag-usap sa isang dalaga.

Ngunit ang pang-apat, ang malaking bordon,
boses na basag na ng isang yayaon,
ubo ng maysakit, luhang putol-putol,
lagnat ng hingalong pusong ibabaon.
Iyan ang tinig kong namaos na ngayo’t
ang nawalang sinta’y hindi pa matunton.


AGAW-DILIM
Namatay ang araw -pagpapalit-tawag
sa dakong kanluran,
nang kinabukasa’y
pamuling sumilang,
ngunit ikaw, irog, bakit nang pumanaw
ay bukod-tangi kang di ko na namasdan?
                                                        
Naluoy sa hardin
ang liryo at hasmin,
Mayo nang dumating
pamuling nagsupling,
ngunit ikaw, sinta, bakit kaya giliw
dalawang Mayo nang nagtago sa akin?

Lumipad ang ibon
sa pugad sa kahoy,
dumating ang hapon
at muling naroon,
ngunit ikaw, buhay, ano’t hangga ngayo’y -panawag
di pa nagbabalik at di ko matunton?

Example of "Liham para sa Editor"

 Disyembre 10, 2008            Petsa kung kalian isinulat ang liham

G. David S. Marshal             Pangalan ng taong pinapadalhan mo ng liham
Editor              Titulo ng taong pinapadalhan mo
Bloomington News             ang kompanya o pulikasyon ng taong pinapadalhan
Bloomington, IN 47401             ang lugar kung saan ipapadala ang iyong liham



G. Marshal:          salutasyon
Isa po ako sa mahilig magbasa sa komik seksyon ng Bloomington News, ngunit bago lang, ako’y may nakitang hindi kanais-nais sa komik strip na “Street Smart”. Sa mga nakaraang araw, ang “Street Smart” ay tinatawanan ang mga taong naninirahan lamang sa lansangan.
Sa akin pong pang-unawa, hindi po tama ang pagtatawa sa mga taong walang tirahan. Sa totoo lang, isa itong paglabag sa karapatang pantao.
Sa aking palagay, ang mangguguhit na si Marcia Chapman ay hindi po marunong mang-unawa dahil sa kanyang pag-iinsulto sa mga taong walang natitirahan. Ang problemang ito ay hindi dapat tinatawanan at dapat na bigyang lunas agad.



Lubos na gumagalang,



Jamie Davis               iyong pangalan
Direktor              iyong posisyon
Feedsfingers Company             kompanya na iyong pinapasukan o pinagtatrabahuhan
Bloomington, IN             lugar ng kompanyang pinagtatrabahuhan

Example of "Liham Pangangalakal"

Here is an example of Liham Pangangalakal


Ika-3 ng Agosto, 2009

Kalihim Expedito R. Torralba
Kalihim
Home Development Mutual Fund
Makati, Metro Manila



G. Torralba:

Gusto po namin iiulat sa inyo ang mga nagawa ng Home Development Mutual Fund (HDMF) Regional Office IX para sa taon 2008.

Sa bago at pinalakas na programang pabahay ng pag-IBIG Fund, dumami pa ang mga miyembrong nakikinabang.

Mas maraming nag-avail ng housing loan program. Mula 20,000 housing units noong 2007, mas dumami ng 30% at umabot ng 26,000 ang mga u nit na nabili o naipagawa sa tulong ng Pag-IBIG loans nakaraang taon na nagkakahalaga ng P34 bilyon.

Mas bumuti din ang koleksyon para sa housing loan. Mula sa nabuuang koleksyon na P7.0 bilyon noon 2007, nakapagtala na ng P28 bilyon kolesyon noong 2008.

Para sa ikakaunlad ng bayan. Maraming salamat po.



Lubos na gumagalang,



Bryan Tyrone N. Moki
Regional Director, HDMF Region IX





Example of "Liham ng Aplikante"


As a student, I've had a hard time looking for formal letters written in Filipino. That's why I'm posting here an example of a "Liham ng Aplikante" so that you guys won't have a hard time. I'll also be posting other formal letters like Liham ng Pangangalakal at Liham para sa Editor.

Ika-5 ng Agosto, 2009


G. Geraldo Conception
Regional Direktor
Department of Budget and Management
Rehiyon IX



Ginoo:                    

Narinig ko po na naghahanap kayo ngayon ng mga bagong gradweyt na estudyante para magtrabaho sa inyong departamento. Ninanais ko pong mag-aplay. Naniniwala po ako na taglay ko ang mga katangiang hinahanap ninyo para sa isang budget manager.

Ako po’y nakapagtapos ng AB Economics sa Ateneo de Manila University noong Marso, 2009. Dalawampung gulang pa lang po ako at kakayanin ko po ang mga mabibigat na trabaho. Pamilyar din po ako sa mga makabagong teknolohiya ngayon. Matrabaho po ako at masipag at matataas po ang aking grado sa Matematika at Ingles. Katunaya’y nagtapos po ako sa kolehiyo bilang Magna Cumlaude.                   

Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan para sa isang panayam, sa oras at petsang nanaisin ninyo.



Lubos na gumagalang,      



Arabelle Santos
Aplikante